Makita Kang Muli

Sugarfree

Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
Sa'n man mapadpad ng hangin
Hindi magbabago ang aking pagtingin

Pangako natin sa maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay...

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli

Puso'y nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka, 'pag nagiisa
Inaalala ang mga sandali
Nang tayo ay magkapiling

Ikaw ang gabay sa aking tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw...

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako'y darating
'Pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli

Makita kang muli...